Ayon mismo kay Bong Revilla(Jan. 5, 2010), pagkatapos ng election 2010 ay sasabak ito sa 3 pelikula. Oo, tama ang pagkabasa ninyo, 3! Ang Panday, pelikula na gagawin ng Star Cinema, at pelikula kasama ang batikan na aktor at box-office king na si Vic Sotto. Nang matanto ko ang impormasyon na ito, heto ang mga pumasok sa utak ko. Paano makakatulong ang isang senador sa mga problema ng bayan gaya ng katiwalian, kahirapan at edukasyon kung ang leader natin ay gumagawa ng pelikula imbes na batas? Paano makakafocus at mas makakatulong sa marami kung ang oras ay hati sa dalawang bagay?

Ang aking lang naman ay kung mahal mo ang ginagawa mo bakit ka pa gagawa ng ibang trabaho o pampalipas oras? Ganito ba kagipit sa pera si Kap? o sadyang hindi siya karapat dapat?

Mamili tayo ng karapat dapat sa darating na eleksyon. Pumili ng kandidato na handang unahin ang bansa at handang ibigay ang buong oras upang makatulong sa pagpapalago ng bansa nating baon sa kahirapan at kulang sa kaunlaran.