Bong Revilla: Naku! may asawa na ko eh! pwede ka naman maging pang number 123248479730987080 ko eh…

Maraming pagkakataon ng napatunayan ni Bong Revilla ang likas na “pagkabayawak” niya sa mga bagay ukol sa pelikula, babae at politika. Eto ang iba’t ibang halimbawa.

1. Bong Revilla: “We should show only one Hollywood movie a month”

Gustong gayahin ni Bayawak ang South Korea na may batas ukol sa naglilimita ng pagpapalabas ng Hollywood movies dito sa Pinas. Sinabi pa ng aktor na alam niyang maraming maiinis at kokontra ukol sa batas na ito ngunit gusto pa din ipatupad ng Senador dahil malaki daw ang maitutulong nito sa mga Pilipino. Itong panukalang ito ay lumabas noong nakaraan taon, panahon ng MMFF na nagkataon naman ay meron siya pelikula-Ang Panday na prinoduced niya at siya din ang aktor. Ang mga Pilipino nga ba ang makikinabang? o Pangsariling kaunlaran lamang ang hangad? Kayo na humusga!

2. Bong Revilla: “Dr. Kho is a pervert of the highest kind”

Noong nakaraan taon, malakas ang pagpapasabog ng kasong sex scandal ni Dr. Hayden Kho Jr. Pinangunahan ito ni Bong Revilla at nakapagbitaw ng mahahanghang at masamang salita sa doktor. Ngunit kung ating babalikan, maraming beses na din nadamay ang panagalan ni Bong Revilla sa iba’t ibang babae sa loob at labas ng showbiz. Sa aking pananaw kung hindi lamang sa loyalty ng kanyang butihing asawa malamang matagal na din nagkahiwalay at nawasak ang pamilya niya dahil sa pambabae ni Bong. Ang pinagkaiba lamang ni Bong kay Hayden ay hindi navideotape ang kanyang baho. Para sa akin, isa din siyang pervert of the highest kind.

3. Bong Revilla: Ang Comelec, mahirap mang sabihin, kung hindi neutral, pero hindi tayo papadaya dyan… MALAMANG TAYO PA ANG MANGDAYA. MATIKMAN NAMAN NILA SILA’Y  MADAYA, mga “#$%” nila.(check the whole video:https://agimatnibong.wordpress.com/2010/03/04/ramon-bong-revilla-jr-as-nardong-putik/)

Certified Tonyong Bayawak!!!

Sa kadahilanan na gusto talaga masigurado ni Bong Revilla ang kanyang panalo ngayong election heto siya at may bagong pasabog na tila “hokus pokus” ang dating.  Para una sa alphabetical list of senatorial candidates sa balota, Senator Ramon “Bong” Revilla Jr. pinalitan ang apelido sa Bong Revilla. Hindi ba kumpyansa si Panday ngayong eleksyon?

Sabi ng kanyang abogado, George Erwin Garcia, ang Cavite Regional Trial Court Branch 19 ay pabor at inaprobahan na ang pagpalit ng pangalan ni Bong Revilla. May isang babae na nagfile ng disqualification case ukol dito -Mary Emily Verr Peji ngunit wala rin nangyari. Ang akin lang, malamang papaboran siya dahil kanya ang Cavite! May bayaran ba na nangyari? Hokus Pokus? hindi ko alam.  Kayo na humusga! Ang napansin ko lang ay napakabilis naman ata ng mga pangyayari sa korte. Samantalang kapag kaso ng mahihirap at taong wlang kapangyarihan ay taon taon ang binibilang bago mahatulan.

Ngayon na palapit ng palapit na ang eleksyon naglalabasan na ang mga totoong kalooban ng mga kandidato. Ang kay Bong Revilla: MARUMING POLITIKA.

Kayo na ang maghusga!